April 01, 2009

Longganisa

Ingredients:
  • kilong giniling na baboy (huwag haluan ng taba)
  • ½ kilong taba ng baboy, hiniwa ng pakuwadrado
  • ¼ kutsaritang salitre (nabibili sa botika o grocery)
  • 5 ulo ng bawang, pinitpit
  • 1/3 kutsaritang dinurog na dahon ng laurel
  • 3 kutsarang asukal na pula
  • ¼ tasang toyo
  • 1/3 tasang suka
  • 1½ kutsaritang asin
  • 2 kutsaritang paprika
  • 1 kutsaritang pamintang buo
  • 1 kutsaritang siling pula, tinadtad
  • sausage casing o pampalambot ng longganisa (mabibili sa mga palengke o grocery)
Procedure:
  1. Sa isang malaking mangkok, paghaluin ang lahat ng sangkap (maliban sa sausage casing).
  2. Palipasin ng isa hanggang dalawang oras.
  3. Pagkaraan ibabad ang karne, talian ng sinulid na pang-luto ang isang dulo ng sausage casing at dahan-dahang ipasok ang karne.
  4. Hatiin sa nais na laki ang longganisa sa pamamagitan ng pagtali ng mahigpit sa gitna ng longganisa.
  5. Itabi sa refrigerator ang longganisa at palipasin ng dalawang araw.
  6. Pagkaraan ng dalawang araw, maari ng lutuin ang longganisa.
  7. Ilagay ito sa isang kawali. Buhusan ng 1/2-1 tasang tubig ang longganisa o hanggang malubog ang longganisa.
  8. Pakuluan sa mahinang apoy hanggang maubos ang tubig. Hayaang maluto sa sariling mantika ang longganisa.
  9. Lagyan ng kaunting mantika kapag natuyuan ng longganisa.
Tips:
Masarap na gawing sawsawan ng longganisa ang hiniwang kamatis at patis.

Kain Tayo! Enjoy Your Meal ! Guten Appetit! Bon Appetit!

No comments:

Post a Comment