March 14, 2009

SpeciaL PandisaL




Ingredients:

  • ½ Kilo All - Purpose Flour
  • 6 tbsps. brown sugar
  • ½ tbsp. Salt
  • 3 tbsps. melted butter or oil
  • 1/3 Cup milk
  • ½ tbsp. Yeast
  • ½ Cup water
  • 1 -2 pcs. Eggs

( Ihanda ang Breadcrumbs )

Procedure:

  1. Tunawin ang yeast sa tubig, lagyan ng kaunting asukal, haluin lang at itabi.
  2. Pagsamahin ang harina, asukal at asin. Salain para mawala ang nagbuo-buo.
  3. Ang itinabi na yeast kapag bumula na ay ihalo ang itlog, milk,at butter.
  4. Ihalo ngayon sa harina at umpisahang masahin.
  5. Budburan ng kaunting harina ang iyong masahan o kaya sa maliis na mesa. Masahing lang ng mabuti.
  6. Kapag sa tingin niyo ay puydi na, ang dough ay ilagay sa bowl na nilagyan ng kaunting mantika ikalat lang. Takpan at patubuin hanggang umalsa.
  7. Paalsahin sa medyo mainit na Lugar.
  8. Kung sa tingin ninyo ay dumoble na ang laki ito ay puydi na.
  9. Ihanda na ang baking pan at bread crumbs.
  10. Ilatag ang dough sa mesa at hiwain pahaba. Unahin paghiwa sa gitna. E rolyo at hiwain ng pa-diagonal at igulong sa bread crumbs. At ilagay sa baking pan.
  11. Takpan at paalsahin ulit, hanggang dumoble ulit ang size niya.
  12. Kapag umalsa na ay painitin ang Oven sa 160°C - Oras: 16 - 20 Minutes, hanggang maging golden brown na o maluto.

Preheat Oven: 160°C
Time: 18 - 20 Minutes

Note:

  • Kung may Bread Maschine kayo iyon ay puyding gamitin. Sundin lang ang Paggawa sa Dough.
  • Kung wala kayong Bread maschine ay masahin nalang sa kamay, 12 - 15 minutes hanggang sa tingin ninyo ay puydi na.


Kain Tayo!!! Guten Appetit!!! Bon Appetit!!!






Tips:
Pandisal Dough

Maramin kayong puyding gawin sa recipe ng pandisal
Pareho lang ang paggawa ng Dough. Sundin lang ang instruction sa paggawa ng Dough ng Pandisal.


Puydi kayong gumawa ng:
A. ) Doughnut ( Donut )
B.) Spanish Bread
C.) Pan De Coco
D.) Cheese Bread
E. ) at iba pa… nagkakaiba lang ang shape at palaman nito sa loob.

Note: # 1
Pandisal na may Palaman:

Pagkahiwa mo ng dough pa-diagonal ( Cut side up ) ay hiwain mo sa ilalim ang pandisal tapos ay ipasok mo ang palaman ngayon… kasi kapag umalsa na ang dough sa pangalawang pagkakataon ay di na puyding hawakan at pasukan ng palaman kasi babagsak na siya at masisira ang porma ng iyong pandisal.

Note: # 2

Puydi kayo gumawa ng 1 Kilo o kaya mahigit pa sa 1 kilo.
Dagdagan lang ninyo ang ingredients.

No comments:

Post a Comment