May 21, 2009

Chicken Mami Noodles Special ( Dina‘s Style )

Ingredients:
  • Noodles - yong manipis lang ( Glass noodles )
  • 1 pitso ng manok
  • 1 sibuyas Bombay
  • Chinese pechay maliit lang ang hiwa
  • 1 or more nilaga na itlog
  • ½ to 1 tbsp. Patis - Panimpla
  • 1/8 tsp. Paminta powder
  • Maggi chicken cube
  • Spring onions - sibuyas dahon
  • Bawang - marami- ipirito ang bawang na marami at kailangan na golden Brown.
Procedure:

  1. Ang unang gawin ay palambutin muna ang pitso ng manok sa kumukulo na tubig.
  2. Pakuluan 20 minutes. Timplahan ng patis,chicken Maggi cube, saka ilagay ang sibuyas at paminta.
  3. After 20 pagpakulo ay hanguin sa kaldero ang pitso. Saka himayin at Hindi masyado maliit my kataasan ang paghimay. Set aside!
  4. Sa pinaglutuan ng pitso ay doon lutuin ang noodles for 5 minutes. Hanguin! Set aside!
  5. Sa isang bowl ay lagyan ng naluto na noodles,ilagay din ang hinimay na pitso ng manok, saka ilagay ang itlog ipaibabaw dalawang hiwa.
  6. Saka ilagay ang Chinese pechay
  7. Saka ilagay ang sabaw na pinagkuluan ng pitso ng manok. Kailangan na umuusok sa init-mainit na mainit ang sabaw.
  8. Saka lagyan ng spring onions ( Sibuyas dahon )
  9. At ang pinaka last na ilagay ay ang pinirtong bawang. Ito ang magpapalasa at pampabango. Amoy na amoy ang bawang…. Hhhmmm Yummyyy….
Kain Tayo! Enjoy Your Meal ! Guten Appetit! Bon Appetit!

No comments:

Post a Comment