June 25, 2009

Beef With Baguio Beans

Ingredients:
Marinate Mixture:
  • 2 kutsarita cornstarch
  • 1 kutsara oyster sauce
  • 2 kutsara dark soya sauce
  • 2 kutsarita olive oil or peanut butter
  • ½ Kilo Beef - or fillet steak in 2,5 cm sliced
Sauce:
  • 2 kutsara olive or
  • 3 piraso bawang, tinadtad
  • 1 piraso sibuyas bombay, sliced cube
  • 220 grms. Baguio beans, sliced into half
  • 25 grms. Cashew nuts
  • 25 grms. Bamboo shoot, in a can
  • 1 kutsarita light soya sauce
  • 1 kutsarita dark soya sauce
  • 2 kutsarita oyster sauce
  • 2 kutsarita rice wine or dry Sherry
  • 1 Cup Beef stock broth
  • 2 kutsarita cornstarch
  • 4 kutsarita tubig
  • Salt
  • Pepper
Para sa marinate:
  1. Ang soya sauce, oyster sauce, olive oil ay paghaluin, at isama na rin ang ibang ingredients para sa marinate.
  2. Ang karne ay ilagay sa bowl, ang marinate mixture ay ihalo, haluin lang ng maigi at takpan.
  3. Ilagay sa refrigerator 30 minutes.
Para sa Sauce:
  1. Magpainit ng kawali at ilagay ang bawang, sibuyas bombay, haluin lang hanggang maging light brown. At ialgay ang cashew nuts.
  2. Ang karne na minarinate ay isunod pag gisa, tanggalin lang sa sauce at itabi muna ang sauce niya. Kapag naigisa na ang karne ay halu-haluin lang at takpan 8-10 minutes.
  3. Isunod ngayon ang baguio beans, bamboo shoots isunod ang light at dark soya sauce, rice wine, or Sherry, at ang stock beef broth ( sabaw ng baka ).
  4. Ilagay ngayon ang itinabi na sauce sa marinate mixture. Ang cornstarch ay itunaw sa tubig at ihalo.
  5. Pahinaan ng apoy. Haluin lang 2 - 3 minutes at timplahan ng oyster sauce, pepper and maybe salt to taste.
  6. Serve hot.
Kain Tayo! Enjoy Your Meal ! Guten Appetit! Bon Appetit!

No comments:

Post a Comment