Ingredients:- 1 - 2 Pusit Malaki - Tanggalin ang laman ng loob at ang Ulo.
- 2 pcs. Kamatis
- 2 pcs. Sibuyas Bombay - sliced maliliit
- 100 grm. Cheese
- Asin
- 8 pcs. Bawang - dinikdik
- 1 tsp. Sesame oil
- ½ tsp. Butter - para ipahid sa sizzling plate.
Procedure:- Ipritu ang bawang hangang golden Brown. Set aside.
- Ihalo ang cheese, kamatis at sibuyas saka lagyan ng asin. Ihalo lang saka ilagay sa loob ng pusit.
- Ibalik ang ulo sa pusit at lagyan ng tootpick para hindi matanggal ang ulo.
- Sa pinag prituhan ng bawang ay doon ipritu ang pusit. 15 minutes lang ang pag pritu ng pusit at baliktarin lang.
- Tapos hanguin at hiwain.
- At ilagay sa Sizzling Plate ang piniritu na Pusit. At sa ibabaw ay lagyan ng sesame oil at ang toppings ay ang piniritu na bawang.
Kain Tayo! Enjoy Your Meal ! Guten Appetit! Bon Appetit!
No comments:
Post a Comment