June 01, 2009

Chicken With Mushroom And BrocoLi



Ingredients:

Ingredients for Chicken Marinate:
  • ½ kl. Chicken - walang buto - sliced pahaba
  • 2 pcs chicken wings
  • 1 egg - beaten
  • 1/8 tsp. Salt or vegeta
  • 1 tsp. Baking powder
  • 1 tbsp. Cornstarch
  • 1 tsp. Sesame oil
  • 1 tbsp. Sherry or Rice vinegar
  1. E-mix lang ang lahat at marinate for 20-30 minutes.
  2. After 20-30 minutes ay ipiritu ang minamarinate na manok hanggang mag golden brown at set aside.
Mga kailangan sa pagluto:
  • 1 tbsp. Butter or olive oil
  • 4 pcs. Bawang
  • 2 pcs. Sibuyas Bombay
  • 250 grm. Ham - fried Muna - kung wala . Karne ng baboy hiniwa maliit na cube at ipiritu timplahan ng asin. ( Optional )
  • 200 grm. Mushroom
  • 200 grm. Brocoli
  • 150 grm. Sitsaro
  • 20 grm. Leek (Lauch / Porre)
  • 20 grm. Spring onion
  • 1 Carrot - sliced manipis pahaba - ( Optional )
Panimpla:
  • 1 tbsp. Oyster sauce
  • 1 tsp. Light Soya sauce
  • 1 tbsp. Hoisin sauce
  • 1 tsp. Sesame oil
  • ½ glass broth - (sabaw) ng baboy or manok na pinakuluan na buto-buto ng manok or baboy.
  • 1 tbsp. Cornstarch or Flour
  • ½ tsp. brown sugar
  • 1 tsp. Luya - ginadgad
Cooking Instruction:
  1. Ang mag gulay ay hiwain at pagkatapos ay magpakulo ng sabaw sa karne at dito ihulog ang mag gulay pakuluan lang ng 30 second at hanguin na, Itabi.
  2. Igisa ang bawang, isunod ang luy-a at ang sibuyas Bombay.
  3. Isunod ngayon ang manok na piniritu. At ilagay ang mga gulay at ang bell pepper. Timplahan ng oyster sauce, toyo, hoisin sauce, pepper, sesame oil,sugar.
  4. At ilagay ang cornstarch at itunaw sa kaunting tubig at ihalu para lumapot. Luto na.
Kain Tayo! Enjoy Your Meal ! Guten Appetit! Bon Appetit!

No comments:

Post a Comment